Martes, Setyembre 22, 2015

TO CLASH or NOT TO CLASH? (Clash of Clan Sentiments)

Clash of Clans..
Yes, ang COC na naman.
I know marami na akong nababasa, napapanood or naririnig
about sa mga girlfriends na nagrereklamo dahil sa COC.
Actually hindi nga lang girlfriends, even friends and family complains.
Sawang-sawa na siguro kayo sa article na ganito,
pero nako naman. Heto ako! gumagawa rin ng isang sentimyento.

At first, hindi ko talaga inakala na isa ako sa magra-rant ng ganito.
Syempre COC player din ako. Yes, you read it right.
Naglalaro din ako. 3 pa nga ang account ko.
1 townhall 7 at 2 townhall 8 (adik lang eh no?)
At ang BOYFRIEND ko ay isang COC player din.
Mas nauna pa nga akong naglaro dun. Mga 3months ahead ata ako sa kanya.

Destiny ata ang nagtulak at naging magka-clan kaming dalawa.
Co-Leader ako nun at siya newbie lang (meaning: MEMBER lang).
You read it right again. Oh yes! Sa COC kami nagkakilala.
Kaya nga hindi ko lubos maisip na ganito na lang ang pagkainis ko.

Almost 1 year na kami ng boyfriend ko.
Noong una, masaya, enjoy maglaro. Aminado naman ako na
naadik din ako dyan sa laro na yan pero hindi naman yung
over over ha!? :))))) hehehehe
Tinuturuan ko pa siya dati nun ng strategy sa pag attack, pagpapalakas
ng base. Sabay pa kami naglalaro at madalas sa COC chat talaga
kami nag uusap. Kaso habang tumatagal unti-unti akong nawawalan
ng gana... baket???
Eh kasi naman, ang damuhong na lalaking yun. Kada may bagong
sali sa clan na babae todo landi, todo chat. At ang malupit pa dun
lumilipat ng ibang clan or sa GLOBAL naghahanap ng makakachat.
Lintik naman talaga ang galit ko ng time na yun. Grrrrrrrr!!!!!! >:/
Tapos ineexplain niya sakin, CHAT lang naman daw yun.
Then I was like "HELLO!!!! BAKA SA CHAT LANG DIN TAYO NAG-UMPISA!"
"BAKA NAKAKALIMUTAN MO NA!"
Sa tingin niyo sino matutuwa?
Pero sabi nga ng iba. Sa pagtanggap nag uumpisa ang pagbabago.
Hahahaha :)) Eh di ayun na nga.
As time goes by parang okay na sakin yun (although madalas chinecheck ko
pa din sino ka-chat niya. hahahaha plastic ko :3)

So akala ko at akala niyo dun na nagtapos yun?
Well hindi pa. 3 months later halos dito na siya tumitira samin.
Minsan 2weeks siya dito sa bahay then uuwi siya mga 4 days then
babalik ulit siya dito and so on .. ganun lang naging routine niya.
At may napansin ako .. (tentenenenen *drum roll*)
Kapag andito siya, wala kang makikitang ibang hawak niya
kundi ang cellphone niya, ang COC nya.
Habang kumakain kami. COC.
Habang nanonood kami. COC.
Bago matulog. COC.
at nakatulog na lahat ako at nagising, maabutan ko pa din.
COC!!!!! >:/ Lintik naman talaga. Kung pwede ko lang siya
ipasok sa loob ng laro na yan ginawa ko na!!
Syempre sinabe ko sa kanya yun. Madalas na nga namin pag awayan.
At yun ang dahilan kaya nawalan ako ng gana maglaro ng COC.
Minsan akala mo bingi siya. May ipapasuyo ka sa kanya.
Ang tagal bago sumunod. Sasabihin niya "wait umaattack pa ko!"
or worst hindi ka niya papansinin kasi hindi niya narinig dahil
sa sobrang tutok niya sa laro!! Nakakatuwa naman talaga.
Tuwang-tuwa ako sa kanya. Sa sobrang tuwa ko nga sa kanya
nung time na yun nakipaghiwalay ako.

Hindi siya pumayag. I-give up na daw niya yung COC niya kesa mawala ako.
Todo alok pa siya sa mga friends niya. Ibebenta niya na daw yung COC niya,
Akala ko totoo. Putragis! Ilang buwan lumipas nung okay na ko.
Bumalik na naman sa gawain niya!
Muntik na ko magpunta ng Quiapo para lang ipa-pray over ko siya.
Or ipa-rehab siya sa sobrang kaadikan niya sa COC.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kanya.
Kinokonsensya pa ko. Dun daw kami nagkakilala kaya daw ang hirap
bitawan..
Uhmmm. May point siya, pero naman kasi kung ganun
na lang palagi halos wala na siya magawa sa buhay niya kakalaro.
Bakit naman yung iba kayang i-balance?

Akala ko yun na yung pinaka worst na makikita kong kaadikan niya.
Gulat kayo?? Oh yessssssss. meron pa!!
Ang lupet niya no? :))))))) *sarcastic*
Month of MAY this year.
Nabasag ang cellphone niya *for some reason*
Edi syempre wala na siyang malalaruan ng COC.
Pinahiram ko sa kanya yung phone ko na may keypad
and then yung phone ko syempre ako gumagamit.
Mga unang week na ganun okay lang sa kanya.
After some time. Gusto niya palit kami.
Kasi naka-save din yung account ng COC niya sa phone ko.
Pumayag ako para tumigil lang. Siya na gumagamit ng phone ko.
Ang hinayupak!! Ang tagal magreply, kina-cancel ang tawag halos
hindi ma-contact dahil sa lintik na COC na yan!
COC pa rin!! Beastmode ako!! Hahahaha
At dahil dyan, binawi ko si cellphone at nagpalit ulet kami.
Eh di nasa akin na ulet phone ko. Tapos magtetext siya or
pag magkausap kami sasabihin niya sakin.
"I-FARM MO NAMAN ACCOUNT KO".
Putragis! Inutusan pa ko. Walanjo! COC pa din inisip!
Edi syempre BEASTMODE nga ako di ba?
Hindi ko finafarm. Tapos madalas pupunta ulit siya dito.
Sinasabi niya na mimiss niya daw ako, pero feeling ko
kaya lang siya pupunta dito kasi wala na siyang loot, may builder siya
na tulog at kailangan na niya mag-upgrade.
Bakit ko naisip? Edi ano pa ba?
Same routine, Habang kumakaen COC, habang nanonood COC
bago matulog COC, pagmulat ng mata COC.
Okay nga lang sa kanya kahit nasa kwarto lang siya maghapon
basta nakakapaglaro siya ng COC niya!! Lintik naman talaga!!!
Nakakatuwa grabe!!!! Whoooooooo!!!!

Gusto ko malaman.
ANO BA ANG MERON DYAN??
Naglaro naman ako nyan pero hindi ko MAKITA kung bakit
may mga sobrang HOOK na HOOK dyan!??

Hindi ko alam kung ito na ba ang pinaka-worst or meron pang iba?
I guess, meron pa. Halos pareho lang din ang dilemma ko sa iba.
Nawawalan ng time sa kanila. Puro COC na lang.

Pero despite of all this.
Thankful pa din naman ako kahit papano sa partner ko.
Kasi ngayon. Hindi siya maglalaro pag hindi ko siya pinayagan.
Magpapaalam muna siya kung pwede siya maglaro.
Girls, bigyan niyo ng ULTIMATUM.
kung mahal kayo niyan susunod yan.
So far matagal tagal na din since nung nabigyan ko siya niyan.
And so far hanggang ngayon okay pa naman.
Mas better na siya ngayon.
Naglalaro pa din minsan. HInahayaan ko lang. Basta pag sinabe
kong tama na. Tama na.

Kung paano ko ginawa? Naglaro ako ng Criminal Case.
Hehehehehehe :))))))))))))))))))))))))
Lahat ng naranasan ko sa kanya, ginawa ko din sa kanya.
Napansin niya. Tapos nag-usap kami. Sinabi ko lahat.
Lahat ng nakikita niya, Ginawa niya.
Tapos binigyan ko siya ng ULTIMATUM.
Na kapag inulit niya pa, wala na talaga.
Nagkasundo na kami at ngayon okay na :)
Minsan kailangan mo lang din ipakita sa kanila
kung ano yung nangyayari sa kanila.

Kaya GIRLS ..
Sige lang. MAG-BEASTMODE kayo.
Hahahaha :)))))))

PS. Naglalaro pa din ako ng COC ngayon kaso minsan lang.
And bilang ganti sa kanya sa tuwing maiinis ako minsan.
Sinasabotahe ko village niya. Nilalabas ko mga storage
saka Townhall para pag naattack village niya
bawas trophy bawas pa loot. Hahahahaha :))))))))

Lunes, Setyembre 21, 2015

A trip to Barasoain Church




 (PS: Sorry for this photo. I dont have nice or even a more decent picture since it was after mass, too many people and cars.)


Okay. So here it goes.
As this is my first ever blog entry. Forgive me. Please :'))))
Super duper uber lack of details eto. Since this was I think a month ago.
(PS. My memory is not that good. I usually forgot details small or big specially dates.)

I just wanted to share this trip. Eventhough this was not our first church hunting ever.
As usual my Tita Ellen, Mama and my little sister Bernadette ang madalas magplano
ng mga ganitong trip. They will look for a church outside Metro Manila then set the date
and then VOILA! Sunday. hmm all good.

Enough with the blah blah! :)
Yea right. I will put whatever I remember. And I promise next time full details na.

The Famous BARASOAIN CHURCH.
Ring the bell? Heard of it? Or should I say SEE it somewhere?
Yes. It was in the back of the OLD TEN PESO BILL


According to my research ..
BARASOAIN CHURCH also known as Our Lady of Mt. Carmel Parish was built in 1630.
Located in Malolos, Bulacan. Sunday kaya wala masyadong traffic sa Edsa.
Hindi ko alam yung exact way kung saan sila dumaan since it was my Tito Jeff whose on the wheel.
Umalis kami sa bahay around 6am and we reached our destination I think its 8am.
Exactly, the mass will start pa lang so naumpisahan namin yung mass.
The church was nice and more beautiful kesa sa pictures na nakikita ko.
Yes its old pero its maintain. Malinis and maayos. 

Father gave a good lecture in homily. He even walk from the altar hanggang dulo while
giving his lecture. Observing kung nakikinig lahat. I admit, yung melody nung mga song is
different from what I usually heard in other churches pero its good pa din.
Puro bata ang choir member nila. And what really amazed me is after the mass.
Meron umiikot sa buong simbahan na mga bata, may mga dala silang karton.
So if ever meron kang trash like tissues or other stuff the itatapon mo kokolektahin nila.
To make sure na malinis yung simbahan.

Right after the mass, siyempre hindi mawawala ang picture taking.
We take pictures:

 (Camile)
 (Lola Caring)
 (Me and my labidabs, my one and only Mahal Jayson)
Our first time going to church together

 (Kuya Vic and Family)
From right to left: Tinay, Tita Ava, Melvin, Naneng, Mateo, Enteng, Kuya Vic, Lola

 (Tita Eds Family)
From right to left: Alex Jae, Tita Edna and Kuya Jeff
 (Enteng)
(Lucette Caeli and Tinay)

After that.  (ohh wait puro after that?? hahaha sorry naman)
We go to Robinsons Malolos.
Yun naman kasi ang routine, after mass, magyayaya si Papa na kumain.
At dahil sa Robinsons Malolos ang malapit lapit na place na naisip niya
kaya dun kami pumunta. And Im telling you, nakakaligaw.
Si papa lang kasi ang nakakabisado ng lugar na yun kaya siya ang nauna and
the other 3 cars nag convo na lang sa kanya. And dahil sa mabilis siya magpatakbo,
ayun, naiwan kami at yung 2 car (my brother's car and kuya pao's car) na nakaconvo sa kanya.

Because we got lost. One thing I noticed that time. Sobrang daming church and chapel sa Malolos.
Halos dikit dikit sila. Promise not kidding. I dont know if it is all catholic churches but
still its a church/chapel. Kaya pala hindi masyado napupuno na as in crowded yung mga
church every mass (but im not really sure of this ha? more of theory ko lang to!) kasi kahit
saan ka lumingon may church.

And oh well, ayun na nga. We got lost kaya syempre, saan aasa?
*drum roll* GPS! Yes. GPS. We always use our handy dandy mobile phone
and mobile internet for GPS everytime na hindi namin kabisado yung pupuntahan.
Atlast we reach Robinsons Malolos, we have our lunch at Uncle Cheffy.
Onting laro for kids and bili na din ng kung ano ano and then umuwi na kami.

It was a nice trip because of course first of all we've prayed.
And we have fun. 

Note:
Sorry if lack of details I explained it already from the start.
Sorry if wrong grammar, tao lang po. And Im not english literate.
saktong nakakaintindi at hindi ko rin naman pinipilit kung hindi ko kaya.
kaya nga po its taglish.
Im a beginner. I do better on my next blog.

So thank you for your time.
Love Love :-*

~ Bei